Remelleen Garcia
January 23rd, 2009 by sisterhimaru
Ang buhay natin ay isang hiram lamang na kung saan pwedeng bawiin ito sa atin ng may kapal. Upang magtamasa ng lubos na kasiyahan at kaligayahan dapat ay gawin na natin ngayon pa lang ang hangad nating kaligayahan. Gimik, Sumali sa paligsayahan, Gampanan ang mga dapat gampanan bilang isang anak, magulang, guro, trabahador at iba pa.
Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Ang sabi nang iba, kung oras mo na oras mo na. Maraming paraan daw ang may kapal kung paano niya kunin o bawiin ang buhay na ibinigay sa atin. Ang buhay natin ay hiram at may itinakdang panahon kung kailan ito babawiin. Mapaaksidente o ipapatay basta’t sa takdang panahon ng kamatay, ito’y kanyang kukunin ng sapilitan.
Si Remelleen Garcia, isang inosenteng bata, labing tatlong taong gulang (13), pinanganak sa Caloocan, lumaki sa Quezon City, taon ng kanyang pagkabuhay Hulyo 1, 1995, taon ng kamatayan Enero 13, 2009. Anak nina Araceli Garcia at Roberto Garcia. May tatlong (3) kapatid na sina Roshier Garcia (19), Robmar Garcia (17) at Rustine Mae Garcia (10 mons). Siya’y mabait at masipag na bata nung siya’y nasa taong anim pa lamang. Tinitulungan niya ang kanyang mga magulang at kapatid na magtinda ng Halo-Halo. Magkasabwat sina Remelleen at Roshier sa pagkuha ng Halo-Halo ng palihim st syempre magkahati sila. May mga oras na minsan napagbubuhatan siya ng kamay ng kanyang mga magulang sa kadahilanang pangengeelam ng gamit at pagkawala ng gamit sa tamang lalagyan. Araw-araw inaasar ito ng kapatid nyang si Robmar. Hanggat hindi nya ito napapaiyak hindi nya ito tinitigilan. Minsan napapabayaan siya, binibigyan na lang ng pera upang bumili ng kanyang pagkain kapag nagugutom. Kaya iyon, malnorish na xa, puro junkfood ang karaniwang kinakain nya sa pang-araw-araw dahil ang kanyang ina ay nasa sugal at ang kanyang ama ay nasa trabaho, ang kanyang mga kapatid naman at nasa skwelahan at nag-aaral maliban sa kanyang kapatid na si Robmar, isang layas, nakigigimik. Isa siyang taong nakakaawa kung siya’y iyong titingnan.
Bumalik sila ng Quezon City noong 2002 upang doon na ituloy ang kanilang pamumuhay. Masaya silang namumuhay sa lugar na iyon at noong August ng 2008 nagsimula ang hindi maintindihang sakit. Minsan nagkakalagnat na xa at lalong pumapayat kahit anong kain niya. Satwing papasok siya sa paaralan ay biglang magkakasakit ito at uuwi ng bahay upang magpagaling. Paulit ulit ito nangyayari sa kanya hanggang sa huminto na siya sa pag-aaral noong ika 3 linggo ng Oktubre. Dumating ang hindi inaasahan, Noong Disyembre 2008, pinaalbularyo siya at nalaman na kinukulam siya ng di kilalang tao. Sinabi nang albularyo na huli na ang lahat dahil matagal na naitanim ang isang insektong sumira sa kanyang bituka. Hindi nagdalawang isip ang kanyang ina na iconfine ito sa Hospital. Inilabas siya nang hospital dalawang (2) araw bago ang Bagong Taon, maayos ang kanyang pakiramdam ngunit makalipas ang ilang araw Enero 11, 2009 nagtae ito nang napakatigas na parang plastic na Linta na DUGO. Sabi nang albularyo ay lumabas na ang insektong itinanim sa kanya kaya nagkaroon ang FINDINGS ang mga Doktor na kung saan, Huli na ang lahat dahil nagkaroon na nang Kumplikasyo ang ibang bahagi nang kanyang organs gaya nang BITUKA, ATAY, at PUSO. Noong Enero 13, 2009 sa ganap na 12:37 nang tanghali, nabawian siya nang buhay.
Si Remelleen na aking pangalawang bunso sa aming magkakapatid, mahal na mahal ko siya na hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking isipan ang kanyang diwa. Pinipilit nyang sumaya kahit na may sakit siya sa Puso. Lagi kong sinasabi sa isip ko na sa tamang panaho’y paspakitaan ko siya nang isang pangyayaring hindi nya makakalimutan, iyon ay ang lumabas kami magpapamilya ngunit ito’y hindi na mangayayari pa. Nagsisisi ako na hindi ko napagbigyan ang kanyang mga kahilingan. Wala akong nagawa upang siya paligayahin. Ma mimiss ka namin.